Marami ang naaliw sa kakaibang graduation gift na natanggap ni Crizza May Lazaga, 22, mula sa San Rafael, Bulacan, dahil sa halip sa flower bouquet, bulaklak na karaniwang nakikita sa Undas ang “inialay” sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan.

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Lazaga na nagpaparinig na talaga siya sa dalawang churchmates at close friends niya na regaluhan siya ng bulaklak sa kaniyang graduation.

“Actually, nagpaparinig ako na baka bigyan nila ko ng flowers sa graduation ko. Di ko naman expected na ganyang flowers marereceive ko. Ayaw pa 'yan gawin sa flower shop kasi akala nag jojoke sila,” natatawang kuwento ni Lazaga.

Hindi naman daw niya napigilang matawa sa ginawa ng mga kaibigang “malalakas ang trip.”

Human-Interest

Guro, nakatanggap ng manok, mga rekadong pantinola mula sa pupil

“Laughtrip talaga kasi unexpected na bibigyan ako ng flowers plus mas unexpected na ganong bulaklak matatanggap ko,” saad ni Lazaga.

“Trip lang nila kasi mga malalakas talaga trip nila eh. Akala nila ako lang mahihiya ending sila rin kasi paikot ikot sila sa venue bitbit ‘yun,” dagdag niya.

Nang i-post ang naturang regalo kay Lazaga sa Facebook page ng BulSU capture, umabot na ito sa mahigit 1,700 reactions, 68 comments, at 63 shares.

“LMAOO HAHAHAHAH Undas na yung theme XD,” komento pa ng isang netizen sa naturang post.

“Masaya [ako] kasi may mga naaliw pero at the same time may mga 'di natuwa pero para sakin the best 'to kasi galing 'to sa best set of friends ko,” saad ni Lazaga.

Nagtapos si Lazaga sa kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Financial Management sa Bulacan State University – Bustos Campus.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!