Nagmistulang asul na karagatan ang panlaban sa Miss Supranational 2023 na si Pauline Amelinckx matapos nitong i-upload sa kaniyang Instagram post ang ‘All blue’ nitong paandar na outfitan para sa kaniyang departure look kahapon ng Linggo, Hunyo 25, 2023.

Makikita sa larawang ibinahagi ni Pauline ang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas at ang all smile nitong awrahan na tila walang kakaba-kabang nararamdaman sa parating nitong laban sa Hulyo 14, 2023 na gaganapin sa Strzelecki Park Amphitheater, Nowy Sącz, Małopolska, Poland.

Kamakailan lang ay nagkaroon naman ng ‘Send-off’ party ang kandidata kasama ang panlaban din ng Pilipinas sa ‘Mister Supranational 2023’ na si Johannes Rissler.

“Poland, here I come. This is really it. We have waited and prayed for this day and finally (after all the stressful, busy, sad and happy days) here we are! PARA SA PILIPINAS!” mababasang bahagi sa naging caption ni Pauline sa kaniyang Instagram post.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Nagpaabot naman ng kanilang suporta ang ilan din sa mga kilalang beauty queens sa Pilipinas tulas na lang nina, Hannah Arnold, Tracy Maureen Perez, Katarina Rodriguez at Graciella Lehmann.

“LABAN PAUPAU!! Bring home the crown!! We believe in you and support you all the way!! Much love 💙💙🇵🇭🇵🇭✨✨👑👑”

“We love you Pau! 🇵🇭 ❤️”

“PERFECTION”

“❤️❤️❤️”

Makikita naman sa binibigay na ‘Aura’ ni Pauline ang kagustuhan nitong mauwi ang korona sa nasabing international  pageant matapos nitong bigong makuha ang mailap na Miss Universe Philippines crown.