Super ‘proud mommy’ ang aktres/host na si Pauleen Luna-Sotto matapos nitong ibahagi sa kaniyang Instagram account ang mga larawan ng anak na si Talitha Maria Sotto o kilala rin bilang "Baby Tali" sa sinalihan nitong Summer Gymnastics Competition kung saan nakapag-uwi ito nang kabuuang 4 na medalya kahapon ng Linggo, Hunyo 25, 2023.

Hindi naman maitago ni Pauline ang sayang nararamdaman at kung gaano ito ka-proud bilang mommy sa nakamit na achievement ng anak niyang si Talitha. 

Hindi rin makapaniwala ang aktres na nakapag-uwi ng kabuuang 4 na medalya ang anak niya sa kabila ng unang subok pa lang nito sa pagsali sa nasabing kompetisyon.

“So so proud of this little girl who joined her very first gymnastics competition today 🩷 Of course we weren’t expecting too much since she has only started to learn gymnastics but we are happy that she did her best! Happy to see her make new friends, enjoy and learn at the same time 🥹 Today she got 3 Golds and 1 Bronze! 🥇🥇🥇🥉 Woohoo! Way to go girl!!! Congratulations Tali! You made mom and dad so proud! 🏆” mababasang caption sa Instagram post ni Pauleen.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagpaabot naman ng pagbati at nang paghanga ang ilan sa malalapit na kaibigan ng aktres tulad nila, Pia Wurtzbach, Kathleen Hermosa, Joy W. Sotto, Ryan Agoncillo, Alessandra De Rossi at marami pang iba.

“Wooow tali! 👏👏”

“Galing ni Tali ah?!!! 👏👏👏”

“Aawwwww I am soooo proud of you Tali girl!!!!! We love you!!!!”

“Yay❤️”

“😍😍😍”

Pinasalamatan naman ni Pauleen ang PGGA S.TY Gymnastics & Sports center kung saang isinasagawa ang pagti-training ng kaniyang anak na si Talitha.