Nasa fashion era na rin daw talaga si Senador Chiz Escudero matapos i-upload ang mga larawan nila ng asawa niyang si Heart Evangelista sa Instagram account nito kahapon, Sabado, Hunyo 24, 2023 na kuha sa bansang Paris, France. 

Makikita sa mga larawang ibinahagi ng aktres ang pagsuot ng mister ng ‘All white’ tuxedo sa Paris, France kung saan kadalasang ginaganap ang mga fashion week para sa iba’t ibang brand ng damit, bags at iba pang mga produkto.

Hindi na bago ang mga ganitong uri ng aktibidades para naman sa asawa niyang si Heart na maka-ilang beses nang pabalik-balik sa nasabing bansa na eksklusibong mapanonood sa kaniyang YouTube channel na may titulong ‘HEARTWORLD’.

Told you it was the NEW ERA ✨ bravo @escuderochiz officially welcoming you to fashion week !’ mababasang caption sa Instagram post ng aktres.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Namangha naman ang ilan sa mga netizens na nagbigay-komento.

“This is so cool, that's what marriage is, supporting each others growth. I admire your courage for fighting for your right and what you deserve”.

“I applaud you both for not giving up the value of partnership and marriage despite differences. Continue to spread love, respect and trust."

“I really love that he’s now embracing your world. That’s what love is all about!!!”

“Welcome to fashion week, chiz!”

“Man! What’s not to admire now. Brain, looks and now in Fashion”.

Hindi naman makikitang naka-upload sa Instagram account ng senador ang mga nasabing larawan nila ng kaniyang misis sa Paris, France.