Idineklara ng Diocese of Malolos sa Bulacan ang Sta. Rita de Cascia Parish Church sa bayan ng Guiguinto bilang isang diocesan shrine.

Sa ulat ng CBCP News nitong Sabado, Hunyo 24, inanunsyo ang naturang pagtatalaga habang ginaganap ang isang debosyonal na Misa bilang parangal kay St. Rita sa simbahan noong Hunyo 22.

Sa misa, iniabot sa pari ng parokya na si Fr. Norman Baldoz ang decree of recognition na inisyu ni Bishop Dennis Villarojo.

Pinangunahan ng pari ang petisyon para madeklara ang kanilang simbahan bilang isang diocesan shrine.

National

Walang naitalang nasawing Pinoy sa Myanmar, Thailand dahil sa M7.7 na lindol – DFA

“Let us promote the devotion to Sta. Rita de Cascia, that form the depths of our hearts, we fervently pray and have hope because those who hope believe in miracles,” ani Baldoz.

Hinikayat naman ni Fr. Christian Kim Mariano, pinuno ng Diocese of Malolos Shrines Committee, ang mga parokyano na ipalaganap ang kanilang debosyon lalo na umano sa mga taong kailangang marinig ang katiyakan na gumagawa ang Diyos ng mga himala sa pamamagitan ni Sta. Rita.

“In an age of selfish wants, shrines are examples of genuine sharing,” saad ni Mariano.

Itinatag noong 1994, ang Sta. Rita de Cascia Parish Church ay ang magiging ika-siyam na diocesan shrine ng Malolos, na tahanan din ng apat na national shrines.

Ang Guiguinto Church din umano ang ikalawang dambana ng bansa na nakatuon sa Italian saint. Matatagpuan ang unang dambana sa bayan ng Sibalom, sa ilalim ng Diocese of San Jose de Antique.