Isa sa mga celebrity na dumalo sa pinag-usapang concert ng international singer na si Bruno Mars ay ang bagong couple na sina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks, Jr.

Naganap ang sold-out concert ni Bruno sa Philippine Arena sa Bulacan, Sabado ng gabi, Hunyo 24, 2023. Parang hindi nga raw "hirap sa pera" ang mga Pinoy dahil patunay na napupuno pa rin ang mga concert kahit mahal ang presyuhan ng tickets nito.

Isa na nga sa mga nakikanta kay Bruno si Zeinab, na mukhang faney na faney nito.

Ibinahagi ni Zeinab sa Instagram story niya ang litrato ni Bruno habang nasa stage.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Nag-iisa ka sa puso ko @brunomars salamat sa pagpapasaya ng gabi ko," text caption ni Zeinab.

Screengrab mula sa IG ni Zeinab Harake

Sa mga sumunod na larawan ay makikita nang magkasama sa isang frame sina Zeinab at ang bagong karelasyong si Bobby Ray.

Tila hindi naman nagselos si Bobby Ray at "ipinaubaya" na si Zeinab kay Bruno.

"Bruno just took my girl @zeinabharake," caption ni Bobby Ray.

Screengrab mula sa IG ni Zeinab Harake

Sa isa pang larawan, tinawag niyang "My Bruno Earth" ang jowa.

Zeinab Harake at Bobby Ray Parks, Jr. (Larawan mula sa IG ni Zeinab Harake)

Kamakailan lamang ay inamin na ni Zeinab sa "Fast Talk with Boy Abunda" ang real-score sa pagitan nilang dalawa ng Fil-Am basketball player.

May makabagbag-damdaming mensahe rin si Zeinab noong nagdaang "Father's Day para dito.