Kasado na ang tambalang ‘Popstar Royalty at Rock Legend’ na sina Sarah Geronimo at Bamboo Mañalac sa kanilang one-night-only showcase concert na idaraos sa Smart Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City sa Hulyo 7, 2023.

Hindi naman maiwasang makita sa mukha ang galak na nararamdaman ng ‘Popstar Royalty’ na si Sarah, dahil makasasama niya na sa concert ang kaniyang idolo.

Sunod-sunod namang ini-upload ni Sarah sa kaniyang Instagram account ang kanilang kuhang larawan kung saan mapapansing kitang-kita ang pagiging fan girl nito sa kasamang singer kahapon ng gabi, Sabado, Hunyo 24, 2023.

“Yung idol mo ngayon kasama mo na sa concert!! Salamat nang marami Coach Bamboo. Inspirasyon ka naming lahat. Ibang klase kayo. Galing yata kayo ibang planeta… Guys... Popsters… you shouldn't miss this opportunity to see him perform live. Sama-sama tayo manuod!!” mababasang caption sa Instagram post ng singer.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Tila mukhang hindi lang si Sarah na ang excited ngayon dahil maging ang netizens ay sabik na ring mapanood ang dalawa ayon sa kanilang ibinigay na komento.

“We shouldn't miss this duo!!”

“Where to buy ticketsssss”

“See youuuu!!!!”

“Watch na ng AshBoo concert!”

“We want you!”

Matatandaan namang unang nagkasama sa proyekto ang dalawang singers bilang original coach sa The Voice of the Philippines na ipinalabas sa ABS-CBN Kapamilya Channel noong Hunyo, 2013.