Nag-aalok ng libreng sakay ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) para sa mga marino bilang handog at pakikiisa sa pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer ngayong Hunyo 25.

Sa abiso ng dalawang MRT-3 at LRT-2, magpakita lamang ng identification (ID) card o kaya ay seafarer's record book upang ma-avail ang benepisyo.

Internasyonal

Dating posisyon ni Pope Leo XIV, ipinasa kay Cardinal Tagle

Sa anunsyo ng MRT-3, magsisimula ang libreng sakay dakong 5:30 ng madaling araw hanggang matapos ang operasyon nito sa nasabing araw.

Ang huling biyahe nito sa North Avenue station ay 9:30 ng gabi habang 10:09 ng gabi naman sa Taft Avenue station.

 

Paalala naman ng LRT-2, ang free rides ay simula 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga, at 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.