Kinagigiliwan ng netizens ngayon ang ginawang ‘Tower of Pisa challenge’ ng Kramer family matapos i-upload ni Doug Kramer ang mga larawang kuha nilang pamilya sa kaniyang Instagram account kahapon ng Sabado, Hunyo 24, 2023 sa Pisa, Italy.

Ang “Nakahilig na Tore ng Pisa” ay ang malayang nakatayong tore ng kampanilya ng katedral ng Lungsod ng Pisa, sa Italya. Matatagpuan ito sa likod ng katedral at siyang ikatlong pinakamatandang estruktura o kayarian sa Liwasan ng Katedral ng Pisa.

Naging tourist attraction ang nasabing kampanilya sa mga turista dahil sa tila nakahilig nitong estruktura na siyang gumagawa ng ilusiyon na parang matutumba.

Ipinakita naman sa mga nasabing larawan kung paano naging malikhain ang bawat isa sa kanilang pose at pag-awra kasama ang nasabing tourist attraction

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“The Leaning Tower of Pisa challenge!! Who won?"  mababasang caption sa Instagram post ni Doug.

Kaniya-kaniya namang bias sa comment section ang netizens sa kanilang pagpili kung sino nga ba talaga ang may pinaka-havey na pag-awra sa Tower of Pisa challenge.

I think panalo si yaya Jean. 😆”

“No bias pero Ate Jean won--tinulugan lang tapos boooom”

“Lahat nice pero winner si Gav😍😍😍”

“Gavin and Karl 😄”

“1. Kendra. 2. Karl 3. Scarlet”

“It’s scarlet obviously 🤣”

“MY TOP 3 😆😆😆 1.yaya jean. 2. scarlet . 3. Karl”

Kadalasan namang mapanonod ang ganap ng Kramer family sa kanilang YouTube channel na “TEAM KRAMER”.