Inakala raw ng mga netizen na ikinasal na sina Kapuso comedienne Kiray Celis at non-showbiz boyfriend na si Stephen Estopia dahil sa suot nila sa dinaluhang event kamakailan.

Mukha kasing naka-traje de boda si Kiray at naka-Barong Tagalog naman si Stephen. Nadagdagan pa ang "pambubudol" sa netizens dahil sa caption ni Kiray tungkol sa "happy marriage."

“Rules for a happy marriage:

Be friends.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Kiss. Hug. Hold hands.

Share. Listen. Respect.

Be thankful.

Forgive. Forget.

Never stop dating.

Communicate and trust.

Show gratitude.

Encourage each other.

Laugh together.

Never stay angry at the same time.

Don't bring up the past.

Say I love you.

Remember why you fell in love," caption niya.

"Lahat po yan copy paste ko lang. Hindi po kami kinasal. Umattend lang ng birthday. HAHAHAHAHA!" dagdag ng komedyana sa kaniyang Instagram post.

Napag-alaman na ang may birthday ay si "Mama Liezl."

Sey ng mga netizen, kailangan daw ang totoong kasal ng dalawa na matagal-tagal na ring magkasintahan.