Naaliw ang mga netizen sa paandar na Facebook post ng nanalong Miss Q&A Season 1 Grand Winner sa "It's Showtime" at komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia matapos niyang ibahagi ang litrato ni "Miss Puerto Rico" na isa sa mga nabigong kandidata sa "Miss International Queen 2023," na sinalihan ni Lars Pacheco.

Kalakip ng Facebook post ni Juliana ang litrato niya noon sa Miss Q&A at ni Miss Puerto Rico.

"Babawi tayo next year Ate... pangako 'yan," pabirong saad ni Juliana na may hashtag na #MIQ2024.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"d ka marunong sumayaw kaya ganern.."

"Ilampaso mo sila Juliana Parizcova Segovia ! Sabihin mong YES!"

"Kulang ka sa kape, dat sayo pinapapak mo araw araw ang kape."

"Beauty and brain go Juliana."

"Eto ang inaantay ko talaga..."

Bagama't biro lamang ang FB post, hindi naman binanggit ni Juliana kung may balak din niyang sumali sa Miss International Queen 2023.

Samantala, hindi naman pinalad si Lars na makapasok sa top 3, subalit nakapasok naman siya sa top 6.

Ang nagwaging Miss International Queen 2023 ay si Miss Netherlands.