Naikuwento ng isa sa mga original at "legit Dabarkads" host na si Jose Manalo sa YouTube channel ni Dondon Sermino ang ginawa ng isa sa mga bagong host ng nilayasang "Eat Bulaga!" sa GMA Network na si Buboy Villar.

Bago raw pala umere ang live na "Eat Bulaga!" matapos ang exodus nila, tinawagan daw siya ni Buboy. Nag-sorry daw ito sa kaniya matapos tanggapin ang hosting job sa iniwanang noontime show.

Umiyak pa raw ito at panay sorry sa kaniya.

“Si Buboy, the night before ng live ay tumawag sa akin. Umiiyak talaga. Sabi niya, ‘Kuya Jose, sorry,’” sabi raw sa kaniya ni Buboy.

Quiboloy, nag-bible study habang nasa detention center

May pinagsamahan din naman daw silang dalawa ng komedyante kaya para kay Jose, walang masamang tinapay sa kaniya, lalo't may pamilyang kailangang buhayin ito.

“Alaga rin naman natin si Buboy. Wala namang problema,” dagdag pa niya. "Makulit lang talaga 'yang batang 'yan."

Naibahagi pa ni Jose na noong maliit pa raw si Buboy ay madalas nila itong pinakakanta sa comedy bar.

“Si Buboy kasi bata pa ‘yan, maliit, pinapakanta ko na sa Klownz 'yan... pinapasampa ko (entablado)... ‘Yung tip na nakukuha ko, binibigay ko sa kanilang mag-ina,” aniya pa.

Ilang araw pa lamang ay nabahiran na kaagad ng isyu si Buboy matapos ibuking ng isang netizen na kakilala raw niya ang isang tinawag na kalahok sa isang segment ng noontime show.

MAKI-BALITA: ‘Eat’s a prank?’ Contestant sa Eat Bulaga, tauhan daw ni Buboy Villar

Inisyu rin ng netizens ang pagbili niya ng bagong kotse, na "bonus" daw ng mga Jalosjos sa kaniya, bagay na hindi naman kinumpirma ni Buboy o kahit na sinuman mula sa TAPE, Inc.

MAKI-BALITA: ‘Good Car-ma!’ Pagbili ng tsekot ni Buboy Villar, inulan ng reaksiyon at komento