Sandamakmak na halakhak mula sa netizens ang nakuhang reaksiyon ng aktres/vlogger na si Alex Gonzaga matapos nitong i-peg ang katawan ng social media personality na si Toni Fowler at sayawin ang kanta nitong MNM o ‘Masarap na Mommy’ kasama si Herlene ‘Hipon Girl’ Budol kahapon ng Sabado, Hunyo 24, 2023.

Makikita namang tuwad kung tuwad ang ginawang paghataw ng aktres at panay pa ang pagyugyog nito sa kaniyang artipisyal na boobs kung saan kasama ring hindi nagpaawat na sumayaw at umindak sa tugtog si Herlene sa nasabing bidyo na ini-upload ni Alex sa kaniyang Instagram account kahapon ng Sabado, Hunyo 24.

Suot-suot naman ni Alex ang Chest at Hip na padding suit na siya namang magko-korte sa kaniya upang magkaroon ng mala-Toni Fowler na katawan.

“In my Mommy Oni Era…. 😂” mababasang caption sa Instagram post ng aktres.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Kabaliktaran naman ang naging reaksiyon ng mister nitong si Mikee Morada kung saan nagbigay-komento ng ‘Unamused Face Emoji.'

Parte naman ang naging kulitan na iyon nina Herlene at Alex para sa bago nitong content na mapanonood na sa kaniyang YouTube channel.