Muli nang mapanonood ng Pinoy Women’s volleyball fans ang simulang paluan at hampasan ng bola sa Premier Volleyball League 2023 Invitational Conference sa darating na Martes, Hunyo 27, 2023.

Makikita sa larawang ibinahagi ng Premier Volleyball League Facebook page kahapon, Hunyo 24 ang 3 bagong koponang Catch Foton, Farm Fresh, at Gerflor na sasabak na sa 8 pang ibang team.

Kaabang-abang naman ang season na ito dahil umano sa pagbabalik-laro ng ilan sa mga kilalang batikang manlalaro ng bansa sa women's volleyball tulad na lang nina, Bernadeth Pons na maglalaro sa Creamline Cool Smashers at si Sisi Rondina naman sa  Choco Mucho Flying Titans.

Mahahati naman sa dalawang kategorya ang mga koponan na kung saan tig-dalawang team lang ang magpapatuloy para maka-abante sa semi finals.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi naman na maiwasan ng Pinoy Women’s volleyball fans ang excitement sa papalapit na bakbakan.

“Exciting yung First game at opening ng PVL”

Yey ! excited na po

“Can't wait to watch the creamline cool smashers

“Umpisahan na para magkaalaman na”

“Excited for Akari”

Hawak naman ng koponang Creamline Cool Smashers ang kampeonato sa nakaraang PVL All-Filipino title kontra sa Petro Gazz Angels.