Inalis sa listahan ng mga magtatanghal para sa "Love Laban sa QC" ngayong Sabado, Hunyo 24, ang "Silent Sanctuary" dahil sa "homophobic actions" na ginawa raw ng banda "to one of their own."

Makikita sa pahayag na inilabas ng "Pride PH" ang tungkol dito, na naka-upload naman sa kanilang opisyal na Facebook page.

“WE ARE DROPPING SILENT SANCTUARY from our roster of performers at #LoveLabanSaQC for today's program due to homophobic actions done to one of our own reported earlier this morning," mababasa rito.

“Pride PH would like to assure our queer siblings in the LGBTQIA++ community that we remain a safe space for all and hence will not take this nor other similar cases lightly. As a collective, we stand firm on our values and stay true to our principles as long as we are here."

Probinsya

Nasa 4,000 mga labi, apektado ng konstruksyon sa isang sementeryo sa Cebu

"Pride PH strongly condemns and strongly stands against any form of discrimination, homophobia, and harassment. We are taking full accountability and apologize for initially including them in the roster of performers. We are committed to do better and learn from this oversight."

Sa huli, "HOMOPHOBES ARE NEVER WELCOME ON OUR STAGE. THIS IS OUR SAFE SPACE. THIS IS OUR PRIDE.”

Dagdag pa sa caption, "Pride PH and (QC) Mayor Joy Belmonte firmly stand against homophobia."

Hindi naman nabanggit kung anong "homophobic actions" ang nagawa ng banda, na hanggang ngayon ay "silent" pa rin sa isyu habang isinusulat ang balitang ito.

Gaganapin ang Pride Month event mamayang gabi sa Quezon City Memorial Circle.