Nagpaantig sa damdamin ng mga netizen ang TikTok video ng isang estudyanteng si "Zarina" matapos niyang ibahagi ang ginawa ng guro niyang si Trixie Arceo, sa Recognition and Awarding Ceremony na ginanap sa Angeles University Foundation – Integrated School kamakailan.

Sa hindi nabanggit na dahilan, walang kasamang magulang o guardians si Zarina upang tanggapin ang kaniyang parangal.

Napansin naman daw siya ng guro at nang malamang wala siyang kasama, hindi ito pumayag na mag-isa lamang siyang aakyat, kaya sinamahan siya nitong tumuntong sa entablado upang tanggapin ang kaniyang parangal.

Ayon kay Zarina, nakarating na sa kaalaman ng kaniyang guro ang paghanga ng mga netizen sa kaniyang ginawa. Pinatunayan daw ni Ma'am Trixie na ang mga guro ay tunay na pangalawang magulang sa kanilang mga mag-aaral.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Hello, gusto ko lang po mag thank you sa inyo. Your comments, congratulations, and kind words have overwhelmed me with joy and touched my heart in ways I can’t describe. I wish I could personally thank and hug each of you. Also your nice comments about Ma’am Trixie reached her,” pahayag ni Zarina.

Sa kaniyang Facebook post ay nagpasalamat naman ang guro sa lahat ng mga "sumaludo" sa kaniya. pero aniya, ang tunay na bida rito ay si Zarina.

"My heart is filled with gratitude. Maraming salamat po sa lahat ng nag-message and nag-tag sa akin ng article and video. My student, Zarina, deserves all the recognition. Siya po ang tunay na bida sa kwentong ito. Naging instrument lang po ako na maipakita ang pagiging mabuti, magaling, at may malasakit sa kapwa ng mga AUF-IS Happy Teachers. Maraming salamat po sa lahat!" aniya.

Screenshot mula sa FB ni Ma'am Trixie Arceo

Sa comment section, marami namang nagpatotoo kung gaano kabuting guro si Ma'am Trixie.

"Ma’am Trixie!!! One of my best SHS teachers back when I was studying at AUF. Super considerate prof and really understands what mental health is."

"Ma'am Trixie is the best teacher in SHS. She's super duper nice. She had been the best."

"Baka Ma'am Trixie 'yan!"

"Ganyan talaga si Ma'am Trixie. The best!"

Pumalo na sa 4.2M ang views ng naturang TikTok video.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!