Pumirma ng panibagong kontrata si Greg Slaughter sa Rising Zephyr Fukuoka sa Japan B.League.

Isinapubliko ng Fukuoka management ang naturang hakbang ni Slaughter nitong Biyernes.

"I'm so excited to compete again in the wonderful city of Fukuoka! I'm looking forward to seeing you all again at my home arena," ani Slaughter.

National

Bam Aquino sa girian sa politika: 'Taumbayan na naman naiipit!'

Si Slaughter ay nakakapagtala ng hanggang 4.7 points at tatlong rebounds para sa Rising Zephyr.

Sa nakaraang season, tumapos lamang ang Fukuoka sa ika-11 puwesto, taglay ang 20 panalo at 40 na pagkabigo.