Ibinahagi ng Kapuso star na si Carla Abellana na binabaan na niya ang presyo ng ibinebenta niyang condominium unit sa Rockwell Tower C, ayon sa kaniyang Instagram post nitong Sabado, Hunyo 24, 2023.

Batay sa mga ibinahagi niyang larawan ng loob ng condo, ito ay fully-furnished na at nagkakahalagang ₱11,250,000.

"Lowered the price even more! Waaaaay below market value now," ani Carla sa kaniyang caption.

Magmula sa living area, kuwarto, comfort room, dining area at iba pang mga muwebles sa loob ng condo ay ibinida ni Carla.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Una nang nag-post sa IG niya si Carla na ibinebenta niya ang naturang condo unit noong Pebrero 25, 2022.

Matatandaang ibinenta na ni Carla ang naturang property matapos sumambulat sa publiko ang isyu tungkol sa hiwalayan nila ng mister na si Kapuso actor Tom Rodriguez. May isyung pinakawalan pa nga rito ang tinaguriang "Pambansang Lalaking Marites" na si Xian Gaza.

MAKI-BALITA: ‘Eh kaya pala binebenta ni Carla Abellana yung condo kasi doon pala nagpompyangan’—Xian Gaza