Higit ₱309M jackpot sa lotto, 'di pa rin napapanalunan -- PCSO
(Manila Bulletin File Photo)
Higit ₱309M jackpot sa lotto, 'di pa rin napapanalunan -- PCSO
Walang nanalo sa ₱309 milyong jackpot sa 6/58 Ultra Lotto draw nitong Biyernes ng gabi.
Sa anunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakahula sa winning combination na 02-31-47-27-49-55 na may katumbas na premyong
₱309,763,376.00.
Hindi rin napanalunan ang mahigit sa ₱30 milyong premyo sa 6/45 Mega Lotto draw nitong Hunyo 23 ng gabi.
Ang winning combination nito ay 42-25-41-24-31-19.
Binobola ang 6/58 Ultra Lotto tuwing Martes, Biyernes, at Linggo habang ang 6/45 Mega Lotto ay nilalaro tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.