Nagdulot ng good vibes sa mga netizen ang Facebook post ng dog owner na si "Romenick Santiago Bolaños" matapos niyang ibahagi ang mga litrato ng kaniyang fur baby na nagkulay-dilaw matapos matapunan ng yellow ink dahil sa "kakulitan" nito.

Batay sa post ni Romenick, pinakialaman ng kaniyang fur baby ang kanilang yellow ink at nabuhos sa kaniyang mga balahibo, kaya naging kulay-dilaw tuloy siya.

Sa taglay na ka-cutan ng aso, nagmistula siyang kamukha ni "Pikachu," ang chubby rodent sa sikat na animé na Pokémon.

"May batang nangealam ng ink ko. Pikachu ka tuloy ngayon," caption ni Romenick sa kaniyang FB post kalakip ang mga litrato ng alagang aso.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Narito naman ang reaksiyon at komento ng netizens.

"Good baby hihihi ganda ng kulay mo haha."

"Ang cute HAHAHAHA."

"Ganyan napapala ng mga makukulit hahaha."

"Mala-Pikachu hahaha."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 973 reactions at 1.5k likes ang nabanggit na FB post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!