Isa ang Kapuso star na si Barbie Forteza sa mga tila nadismayang "Swiftie" sa balitang wala ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang pupuntahan ng sikat na American singer-songwriter na si Taylor Swift, para sa kaniyang "The Eras Tour."

Niretweet ni Barbie ang mismong Twitter post ni Taylor kung saan makikita rito ang schedule at mga bansang dadayuhin niya hanggang 2024.

Sa mga bansa sa Asya, ang pupuntahan niya ay Japan at Singapore.

"EXCUSE ME HI I HAVE SOMETHING TO SAY. I can’t wait to see so many of you on The Eras Tour next year at these new international dates!" bahagi ng caption dito ni Taylor.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ibinahagi ito ni Barbie at kaaliw naman ang caption dito.

"Okay lang din siguro. Mamimili pa ko ng furniture e," na may tatlong teary-eyed emojis.

https://twitter.com/dealwithBARBIE/status/1671473176092737537

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Di naman ako yung titira, pero excited ako sa completion ng new house mo Ms. Barbs."

"Oo nga walang Eras Tour sa PH. Pero for sure ang presyuhan nyan furniture set na ng buong living room."

"Iyak na lang talaga tayo!"

"Eh napanood mo na rin naman Barbie si Taylor sa US few months ago lol."

"Soon ma-grant na ang dream house mo...So proud of you @dealwithBARBIE so beautiful in and out kaya maraming blessings... stay safe... pahinga ka pag may time... ILY my queen."

Matatandaang proud na ibinida ni Barbie ang pagpapatayo ng kaniyang dream house na malapit-lapit nang matapos.

Samantala, abala naman sila ni David Licauco para sa pagbibidahang serye, na usap-usapang adaptation daw ng pelikula noon nina Sen. Robin Padilla at Megastar Sharon Cuneta, na "Maging Sino Ka Man."