Tila hindi na mahulugang karayom ang silid kung saan tinipon ang birthday gifts ng fans para sa kaarawan ng legendary at certified ‘Oppa’ na si Lee Min Ho nitong Huwebes, Hunyo 22, 2023.

Makikita sa bidyo at mga larawang ibinahagi ng Korean actor ang sandamakmak na mga lobo, bulaklak, cakes at kung ano-ano pang birthday gifts ng kaniyang fans na kung saan hindi niya na maisa-isa at nagpakuha na lamang ng litrato kasama ang mga ito bilang appreciation sa lahat ng efforts na binigay para sa kaniyang kaarawan.

Bagama’t nakasulat sa kanilang sariling lengguwahe ang caption sa nasabing Instagram post, may kahulugan naman itong “This day, which was not special, became even more special thanks to you!” saad ng actor.

Maraming taga-hanga pa rin ang nag komento para magpa-abot ng kanilang pagbati sa Instagram post ng actor.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Happy birthday my forever crushhhhhhhhhhh”

“I love you more than all these girls”

“Happy birthday oppa. The one who made me love Kdrama. 36 and still hot”

“HAPPY BIRTHDAY OPPA LEE”

“Have a great day celebrating your birthday with your family and friends! Happy birthday beautiful man!!”

“Happy birthday minho”

Matatandaan namang nakilala dito sa Pilipinas ang actor nang ipalabas ang City Hunter at Boys Over Flowers na umere sa ABS-CBN na siyang lalong nagpasikat sa kaniya.