Nagpasalamat at tila hindi pa rin maka-get over si Shannon Robinson nang masungkit nito ang korona sa ginanap na Miss Enviromental International 2023 noong Huwebes, Hunyo 15, na idinaos sa CIDCO Exhibition & Convention Centre sa Vashi, Mumbai, India.

Matatandaang nakuha ni Robinson ang first runner-up placement sa Mutya ng Pilipinas 2022 at nakatakdang lumaban sa Miss Enviromental International 2023 na kung saan siya naman ang kauna-unahang pinay na nakasungkit sa titulong ito.

Bukod sa korona at titulong nakamit ni Robinson, itinanghal din siya bilang Miss Congeniality at second placer sa ginanap na Miss High Fashion Model selection bago pa mag-coronanation night.

“A beautiful homecoming and a lifetime of thank yous begins NOW!” mababasang caption sa kaniyang Instagram post kahapon, Hunyo 22, 2023.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Unang binigyang pasasalamat niya ang kaniyang pamilya, mga kaibigan, sa kaniyang followers, sa press, organizations, designers at sa aces and queens na siyang humubog sa kaniya bilang maging magaling na kandidata.

Sa huli, nagpasalamat si Robinson sa pagmamahal na ibinuhos sa kaniya, bagay na hindi niya makalilimutan. 

Ang Miss Environmental International naman ay isang natatanging beauty pageant, kasama ng mga magagandang mukha nito ay pumapatungkol din ito sa pangangalaga hindi lamang sa ating kapaligiran kundi pati na rin sa mas malalaking aspeto na kinabibilangan ng ating personal na buhay.