Mukhang ‘nanganganib’ ngayon ang ipon ni Jake Ejercito matapos nitong tanungin ang anak na si Ellie Eigenmann kung gusto umano nito makita nang live si Taylor Swift.

Sa screenshot ng pag-uusap ng mag-Ama, tinanong muna ni Jake si Ellie kung fan ba siya ni Taylor Swift na siyang sagot naman ni Ellie ng bakit sa Ama.

Dito na nga tinanong ni Jake si Ellie na kung gusto ba nito makita si Taylor Swift ng live. 

May be an image of 1 person and text that says '<414 414 Ellie Are you a fan of Taylor swift's? Edited 1:11 PM � why 1:11 why1:11PM PM She's going to Tokyo and Singapore 1:12 PM � You wanna see her live? 1:27PM ✓'

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Kamakailan lamang lumabas na sa social media ang ‘The Eras Tour’ ni Taylor Swift na kung saan kabilang ang bansang Japan at Singapore na pagdarausan ng concert, na siyang nabanggit din sa inupload na screenshot ni Jake sa Facebook account nito.

Naglalaro naman ang ticket sa Singapore sa  halagang 108 hanggang 1,549 Singaporian dollar na may katumbas na 4,451.76 hanggang 63,849.78 sa Philippine peso.

Hindi naman na bago ang mga ganitong screenshot ni Jake nang pag-uusap nilang mag-Ama dahil naka-gawian na niya itong i-upload at ibahagi sa kaniyang followers.

Mga naka-abang naman at nagtatanong ang netizens kung ano nang reply ni Ellie.

“Ano po reply?”

“Excited kami sa reply daddy”

“Daddy Jake, ako na lang tanungin mo.”

“Bawal tumanggi daddy”

“Naol daddy jake!”

Gamitin lang ang #JEllieConvos para sa marami pang nakatutuwang pag-uusap ng mag-Ama.