Sa pagdiriwang ng ika-452 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Maynila bilang lungsod sa Hunyo 24, ating kilalanin ang tumatayong "ina" nito. 

Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan (Photo from MB)

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na bago maging kauna-unahang babae na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila si Dra. Maria Sheilah Honrado "Honey" Lacuna-Pangan, siya rin ang kauna-unahang babae na naging bise alkalde ng lungsod. 

Una siyang nanalo bilang bise alkalde noong 2016 sa ilalim ng pamumuno ni dating Manila Mayor Joseph Estrada. Muli siyang nanalo sa parehong posisyon noong 2019 sa ilalim naman ni dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso. 

Noong Mayo 2022, nanalo si Lacuna-Pangan bilang alkalde at bise alkalde naman ang kaniyang running mate na si Yul Servo Nieto.

No photo description available.

Photo courtesy of Dra. Honey Lacuna/FB

Sino nga ba si Mayor Lacuna?

Si Mayor Lacuna ay anak ni dating Vice Mayor Danilo "Danny" Bautista Lacuna at retired PNB Executive Melanie "Inday" Honrado Lacuna. Siya ang panganay sa limang magkakapatid. 

No photo description available.

Photo courtesy of Dra. Honey Lacuna/FB 

Nakapagtapos ng elementary at high school ang alkalde sa Saint Theresa's College, at pre-med BS Biology alumni sa University of Santo Tomas (UST). Nag-aral siya ng medisina sa De La Salle-Emilio Aguinaldo College of Medicine sa Dasmariñas sa Cavite, kung saan nakilala niya ang kaniyang asawa na si Dr. Arnold "Poks" Martin Pangan. Mayroon silang isang anak na si Lucia Danielle Lacuna Pangan. 

Binalikan ng Balita ang kaniyang naging panayam sa Manila Bulletin noong Agosto 2022 kung saan nabanggit niya ang isa sa mga pangarap niya para sa lungsod. 

Aniya, nais daw niyang magkaroon ng "best healthcare" ang Maynila. 

"As a doctor, I would like to further develop the healthcare of Manileños. A big dream of mine is that by 2030, Manila City will have the best healthcare of any city in the Philippines," aniya sa MB.

"In line with this, the Manila city government has set the goal of converting our city health centers into super health centers to strengthen our primary health care. These super health centers will provide services such as ultrasound, ECG’s, x-rays, and basic laboratory exams. Our goal here is to provide Manileños with a one-stop shop for healthcare that they can access within their own communities before even going to a hospital," dagdag pa niya. 

Bukod dito, itinanong din sa kaniya sa panayam kung ano ang kaniyang plano para sa mga kababaihan sa Maynila.

"Though the Philippines ranks highly on the Gender Equality Index, there is much that we can do to empower Manileñas, and the LGU wants to lead this movement. We have plans to draft programs and infrastructure to support women’s health, as well as shelter women in less-fortunate circumstances," saad ng Manila Mayor.

"I want Manila’s government to serve as a support system, the same kind I have had, for other women as well, so that it may empower them to reach their goals and aspirations," dagdag pa niya.