ILOILO CITY - Nakapagtala na ng 25 na kaso ng Japanese encephalitis o sakit na nakukuha sa kagat ng lamok, ang Western Visayas.
Sa pahayag ng Department of Health (DOH)-Region 6, ang Iloilo ay nakapagtala ng 12 na kaso, kabilang ang apat na nasawi.
Pitong kasoi naman ang naitala sa Antique, lima sa Capiz at isa sa Iloilo City.
National
LPA sa labas ng PAR, ganap nang bagyo
Ang nasabing bilang ng kaso ay mula sa 256 samples na nakuha sa rehiyon.
Nasa 163 ang wala pang resulta, ayon sa DOH-6.
Idinagdag pa ng DOH-6 na karamihan sa tinamaan ng sakit ay mga bata.
Tara Yap