MEDAL < ₱100,000

Viral ngayon sa social media ang pagregalo ng isang proud tita mula sa Matalam, North, Cotabato ng money garland na nagkakahalaga ng ₱100,000 sa kaniyang 16-anyos na pamangkin na nagtapos ng Junior High School (JHS).

“Wish Granted Congratulations koy! Justin Lee Enad. Bahalag walay medal basta may 100k lang. Always remember na lab ka ni tita bisag makulatahan taka. (Bahala na walang medal basta may 100k lang. Always remember na love ka ni tita kahit napapalo kita.) Lab na lab ka ni mama Mariestehla Enad. Mas malaki pajan makuha mo soon basta good boy lang. #ProudTitaHere,” caption ni Shiela Mae Enad Magtoto, 29, sa kaniyang Facebook post na umabot na ng mahigit 9,100 shares.

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Magtoto na bago pa man ang moving up ceremony ay nagpaparinig na talaga sa kaniya ang pamangkin niyang si Justin ng nauuso umanong money garland.

Human-Interest

Guro, nakatanggap ng manok, mga rekadong pantinola mula sa pupil

“Maselan po kasi ang pag bubuntis ko sa first baby ko. Ayaw na din namin ma-stress sa paghahanda. Bago pa ang moving up nila, since uso na ang money garland ngayon, nagpaparinig sya na sana may ganoon daw sya,” kuwento ni Magtoto.

“Hindi namin siya pinapansin hanggang sa araw ng moving up niya, more than what he expected ang inihanda namin sa kaniya.”

Natuwa naman daw si Magtoto nang sabihin ng kaniyang pamangkin na hindi nito agad gagastusin ang pera, bagkus ay iipunin daw niya ito.

“May nabanggit siya na ilalagay nya sa savings at idadagdag ‘yung iba sa emergency fund niya. Ultimo baon niya hindi niya ginagastos para makapag-ipon,” saad ni Magtoto. 

“Inaalala niya din kasi ‘yung mama niya abroad, na hindi habang-buhay meron sila. Kaya bago pa dumating yung mga hindi inaasahan na pagkakataon, nagtatabi na sya,” dagdag niya.

Mensahe naman ng proud tita sa kaniyang mahal na pamangkin: “Mag-enjoy lang sa buhay at gawin ang lahat sa abot ng makakaya. May mga unexpected blessings na pwedeng dumating basta pursigido at mabuti sa kapwa.”

“May mga makaka-appreciate sa atin, mayroon ding hindi. Kahit na ano po 'yan, basta wala kang tinatapakang tao at alam mong nasa tama ka, ituloy mo lang. Ang buhay ay hindi paunahan. May kaniya-kaniya tayong panahon ng pag-asenso,” saad pa ni Magtoto.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!