Kinaaliwan at humaplos sa puso ng mga netizen ang ibinahaging mga larawan ng isang netizen na si "Mateo Orange" matapos niyang i-flex ang naispatang eksena sa isang kalsada, habang sila ay lulan ng sasakyan.

Ibinahagi ni Mateo ang mga larawan sa isang "CAT LOVERS PHILIPPINES," isang cat lovers community sa Facebook.

"ATM. Zamboanga City Tetuan (heart emoji). Cat lover ako. At alam ko sobrang hirap mag-train ng ganyang position. Akala ko talaga kalo na design ay pusa. Salute kay manong. Kung may pera lang ako aalamin ko bahay ni manong then I will provide such cat food and tulong para kay manong na rin. Sana may makapansin," aniya.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, namataan ni Mateo ang lalaking nakasakay sa kaniyang bisikleta, subalit ang nakapukaw ng kaniyang pansin ay ang alaga nitong pusa na maayos na nakaangkas sa kaniyang batok at nakahawak sa kaniyang ulo. Nangyari umano ito noong Hunyo 19, 2023 sa Tetuan, Zamboanga City.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa panayam ng MB, noong una raw ay inakala niyang palamuti, props, o stuffed toy lang ang nakikita niya, subalit nang pakatitigan niyang mabuti, tunay na pusa pala ito!

"Actually, nasa traffic po ako at si manong nasa harap ko lang siya. Una akala ko kalo na design ay pusa, ‘yun pala hindi,” aniya.

Batay sa comment section ng ulat ay manghang-mangha naman ang mga kapwa netizen sa mag-amo.

"Ang galing naman ng miming na 'yan!"

"Ang cute! Sana hindi tumalon yung pusa, baka maaksidente o mag-cause ng aksidente."

"So adorable!"

"Love you miming kapit mabuti kay tatay ha?"

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!