Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Huwebes, Hunyo 22, na nagtalaga ito ng karagdagang testing center sa Bangkok, Thailand para sa September 2023 Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT).

Ayon sa PRC, magbibigay-daan ang naturang hakbang para makakuha ang examinees sa Thailand ng September 2023 LEPT nang hindi na kailangang bumiyahe nang malayo at magkaroon ng karagdagang gastos.

Magsisimula sa Hunyo 23 hanggang Agosto 24 ang aplikasyon para sa September 2023 LEPT sa Bangkok, saad pa ng PRC.

Kinakailangan naman umanong ipadala ang lahat ng mga dokumento ng aplikasyon sa pamamagitan ng email sa [email protected] para maproseso at masuri ng Delegation Team.

National

65% ng mga Pinoy, umaasang magiging masaya ang Pasko