Pabirong nag-walk out ang komedyante-singer na si Kakai Bautista nang tanungin siya ni King of Talk Boy Abunda tungkol sa Thai actor-model na si Mario Maurer.

Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong MIyerkules, Hunyo 21, pabirong tumayo at naglakad paalis si Kakai subalit natatawang hinabol naman siya ng host at ibinalik sa upuan, s atabi ni Cai Cortez.

"Let's not talk about the past Tito Boy," hirit ni Kakai.

Sang-ayon naman dito ang King of Talk, pero kailangan daw matuto ng sinuman sa kaniyang nakaraan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Isa pang bagay, sinabihan at pinagbawalan na raw ng abogado niya ang komedyante-singer na banggitin o magkuwento ng mga detalye tungkol sa kanila ni Mario.

Matatandaang naisyung may namamagitan sa kanilang dalawa matapos nilang magsama sa 2012 movie na "Suddenly It's Magic" kasama ang Kapamilya actress na si Erich Gonzales.

Nagpadala ng pormal na liham ang kampo ni Mario kay Kakai na itigil na raw ang "false and untrue claims" tungkol sa pagkakaibigan nila.

Pinabulaanan naman ng kampo ni Kakai ang mga umano'y paratang ng kampo ni Mario.

Sa ngayon daw ay single si Kakai at mas priority niya ang self-love.