Kung si Maine Mendoza ang tatanungin, gusto niyang makasama at makatrabaho pa rin ang Kapuso star na si Alden Richards sa bagong noontime show ng TVJ sa TV5, pag-amin niya sa naging media conference noong Martes, Hunyo 20, para sa pagpirma nila ng kontrata sa bagong tahanan.

Iyon nga lang, hindi na nakasama si Alden sa kanila dahil contract artist ng GMA Network ang aktor, at abala na rin sa iba't ibang nakalinyang proyekto.

"Hindi ko alam kung paano ang mangyayari pero si Alden naman ay legit Dabarkads," ani Maine.

"Hopefully, hindi ko pa rin alam din eh, pero hopefully makasama namin siya rito sa show namin sa TV5."

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Alam naman ng lahat na naging phenomenal love team ang "AlDub" noong 2015 dahil sa kanilang "Kalyeserye."

Hanggang ngayon nga, isa ang mga episodes nito ang binabalik-balikan ng mga loyal Eat Bulaga viewers kapag nais nilang mag-throwback sa "old EB."

Anyway, hindi pa inispluk ng TVJ ang magiging titulo ng kanilang programa, at abangan na lamang daw ito sa Hulyo 1, sa mismong launching nila.

Posible nga kayang ma-reunite ang AlDub? Payagan kaya si Alden ng Kapuso Network, tutal uso naman ang mga "cross-over" ng artista ngayon sa mga ka-kompetensyang network?