Nakamit ng aktres, social media personality at naging housemate rin sa reality show ng ABS-CBN na "Pinoy Big Brother (PBB)" na si Chie Filomeno, ang parangal bilang “Rising Social Media Star” sa naganap na What The Fact: The Philippines Digital Choice 2023 ngayong araw ng Miyerkules, Hunyo 21, 2023.

Ipinagmamalaki at nagpaabot ng pagbati ang Star Magic; ABS-CBN’s Talent Management Division sa kanilang official Instagram account para sa nagawad na parangal umano ni Chie.

Wala pa mang opisyal na pasasalamat o pahayag dito ang aktres, ngunit na-repost niya na rin sa kaniyang sariling Instagram story ang nasabing post ng Talent Management na tila ba naluluha pa ang aktres dahil sa ginamit niyang teary eyed at white heart na emoji.

Matatandaan namang mas nakilala si Chie “Ang Calendar Vixen ng Antipolo” ng netizens nang maging bahagi ito bilang isa sa mga housemates ni kuya noong Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 taong 2021.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pag-usbong ng karera ni Chie na kadalasang mapanunuod linggo-linggo sa ASAP Natin ‘To.

Arci Brezuela Rutagenes