Doble-doble ang saya ni "Boy Bastos" Wilbert Ross dahil sa magkasabay niyang pagdiriwang ng ika-26 na kaarawan at pagtatapos sa kolehiyo nito lang Sabado, Hunyo 17, 2023 sa kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Marketing Management.

Sa larawang ibinahagi niya sa kaniyang followers, makikitang suot nito ang toga habang hawak-hawak naman niya ang kaniyang birthday cake.

“Thank you Lord. It’s happy birthday indeed” naman ang mababasang caption sa kaniyang Instagram post nitong Sabado, Hunyo 17, 2023.

Tinagurian naman siya bilang "Boy Bastos" dahil sa mga naging walang takot na pagganap nito sa VIVA Films tulad na lang ng mga pelikulang, Crush Kong Curly, 5 in 1, Shoot Shoot, Bes and the Beshies, Working Boys 2: Choose Your Papa at ang Boy Bastos na kung saan siya nakilala.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"Nagpaabot naman ng pagbati ang karamihan sa mga nagbigay-komento.

“Congratulations and happy birthday, Wilbert Ross!”

“Happy Birthday to you, Happy Birthday to you, happy birthday, happy birthday… Happy Birthday to you”.

“Happy Birthday Wilberto and congrats!”

Matatandaan namang unang nakilala si Wilbert sa ‘It’s Showtime’ bilang isa sa mga bagong miyembro ng grupong Hashtags noong 2017.

Arci Brezuela Rutagenes