Uulanin ng milyun-milyong papremyo ang mga lotto bettors dahil inaasahang papalo na sa ₱312 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 ngayong Friday draw!

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), asahan na uulanin ng papremyo ang mga lotto bettor dahil papalo sa ₱312 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 habang nasa ₱30 milyon naman ang maaaring mapanalunan sa Mega Lotto 6/45. 

"'Wag ka nang magpayong bhe. Hayaan mong maulanan ka ng papremyo ng #PCSOLottoGames," saad ng ahensya. 

May be an image of 1 person and text

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaya huwag nang magpatumpik tumpik pa, sugod na sa pinakamalapit na lotto outlet at tayaan ang inyong favorite combinations!

Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo habang Mega Lotto 6/45 naman ay kada Lunes, Miyerkules, at Biyernes.