Nakakaaliw ang mga netizen sa naging reaksyon nila nang i-flex nI Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang selfie ng pagpapakita ng skin ng kaniyang katawan sa Instagram habang naka-two piece.

Bumulaga kasi ang angking alindog ni Pia dahilan para mapa-wow ang mga ito.

Half body close shot ang kuha ng former beauty queen. Kaya naman sa magandang hinaharap ni Pia nakatututok ang mga netizens, kaya hindi  magkamaliw sa mga komentong may tema ng paghanga sa kung anong mayroon si Pia.

Ito naman kasi ang isa sa mga naging lamang ni Pia sa ibang mga candidates noon para mapansin nang lumaban siya sa Miss Universe noong 2015 na kung saan naiuwi niya ang korona.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Partida't walang make up si Pia sa larawang ito pero pinusuan ng mga netizens. May mga nainsecure tuloy dahil sa mala-va va vooom na hinaharap ni Pia. Dahil diyan maraming napatambay tuloy na mga netizens sa Instagram nito.

Inihalintulad pa sa bulkan ng isang netizen ang dalawang larawang ibinahagi ng misis ni Jeremy Jauncey.

Narito ang mga nakakaaliw na komento ng mga humanga kay Pia:

“kaya nag aalburuto mga bulkan teh!”

"kaya pala wala nang natira sa kin, puro balat lang, kasi binuhos na ni lord sa kanya lahat ng gift!" Haha.”

“Balde ata dala ni mareng pia nung umulan ng blessings.”

“malaki din usos ko @piawurtzbach pero bakit pag usos mo na nakikita ko bigla tuloy ako nanliliit.”

“galit na galit ung ate pia mo.! Apaw na apaw . Jusko.”

“Pabasbas po.”

“Confirm alert level 3 hahahahha.”

“very gifted kaya nawawalan ako ng self confidence sa sarili ko kasi kulang ako nyan.”

“Maawa kayo sa bra queen @piawurtzbach.”

“ga awas awas ang grasya.”

“Kya pla wlang ntira sa akin nsa yo lahat idol.”

“Punong puno may pasobra pa.”

“Grbeh nmn penge.”