Humingi ng paumanhin si Miss Grand Philippines 2023 candidate at Kapuso actress Herlene "Hipon Girl" Budol matapos ulanin ng samu't saring reaksiyon at komento ang tila kuwela niyang pagsagot sa "Question & Answer" portion ng sashing ceremony at press presentation ng naturang beauty pageant, na ginanap nitong Martes, Hunyo 20.

Aniya, hindi raw niya naintindihan ang tanong kaya sana raw, huwag naman kaagad siyang husgahan. Isa pa, inunahan na kaagad siya ng kaba.

"Sa sobrang kaba ko po hindi kopo naexplain yung kung anong gusto ko pong sabihin sorry I admit di po ako magaling sa lahat ng bagay and sorry kung nawalan po kayo sa'kin ng kumpyansa sa isang pagkakamali," ani Budol sa kaniyang Facebook post.

"I’ll try my best to make you proud. Hindi ko po nilaro di 'ko lang po talaga na-gets yung tanong and I accept it."

Kaso ng dengue sa ilang munisipalidad sa NCR, umabot na sa epidemic level

"Hindi po ako perpekto. Thank you for those people na naniniwala pa rin po sa akin."

Payo ng karamihan sa mga netizen, kailangan pa niyang mag-ensayo pagdating sa Q&A portion. Ayos lang naman daw na maging funny pero dapat ay witty at maayos pa rin ang paglahad ng sagot.

May ilan namang nagsabing walang dapat baguhin sa personalidad ni Budol dahil ito ang magpapa-stand out sa kaniya sa "stereotypical" na mga kandidata sa isang beauty pageant.

MAKI-BALITA: Herlene Budol ‘winalwal’ Q&A sa sashing ceremony ng Miss Grand PH?