Malungkot na ibinahagi ng singer na si Gigi De Lana na sinimot ng scammer ang laman ng kaniyang bank account na gagamitin sana niyang pambayad sa medical bills ng kaniyang ina.

Sa isang Facebook post nitong Martes, Hunyo 20, ibinahagi ni Gigi ang kaniyang pinagdaanan mula nung maaksidente sila ng kaniyang kabanda sa "The Gigi Vibes" habang nasa La Union patungong Ilocos Norte upang dumalo sa isang event noong Mayo.

"Please be kind. Simula ng naaksidente kami from car accident. ang dami na nang scam sakin. Ninakawan ako sa BDO kinuha lahat ng laman. Na pang medical bills sana yun ni mama. Kaso wala kayo awa," malungkot na saad ni Gigi.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Matatandaang sumasailalim ngayon sa gamutan ang kaniyang ina na may stage 4 breast cancer.

Sinabihan pa raw siya ng scammer sa tawag na "get well soon po kay Ma'am Gigi" at pagkatapos ay naubos na ang laman ng account niya.

"Sinabihan pa ako sa phone call ng “get well soon po kay maam gigi” tapos after nun ninakawan na ako ng tuloy tuloy hanggang sa maubos laman. Grabe kayo. Di na kayo naawa. Please wag kayo mang scam or mag nakaw," saad pa niya.

Ibinahagi rin ni Gigi ang mga larawan niya ilang araw matapos ang nasabing aksidente.

"Nga pala ito itsura ko nung after a few days maaksidente. Sa mga hindi alam na ganito kalala and hinusgahan ako na nag inarte ako. Please be kinder. Love you all still. Please let us be kinder sa isat isa," dagdag pa niya.