Sugod na sa pinakamalapit na lotto outlet at tumaya sa Ultra Lotto 6/58 dahil papalo na sa ₱290 milyon ang jackpot prize nito, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa jackpot estimates ng PCSO, papalo na sa ₱290 milyon ang Ultra Lotto 6/58 habang papalo naman sa ₱30 milyon ang Lotto 6/42 at ₱15.8 milyon naman ang papremyo ng Super Lotto 6/49.

"Saan pa ba dapat mapunta ang etneb mo? Siyempre dun sa may kapalit na ganito!" saad ng PCSO.

Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola kada Martes, Biyernes, at Linggo habang ang Lotto 6/42 ay kada Martes, Huwebes, at Sabado at tuwing Martes, Huwebes, at Linggo naman ang Super Lotto 6/49.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University