Ibinahagi ni GMA headwriter Suzette Doctolero ang anunsyong opisyal nang mapapanood sa GTV, sister channel ng GMA Network, ang noontime show ng ABS-CBN na "It's Showtime."

Naganap ang pormal na anunsyo ng mga kasangkot na network ngayong Martes, Hunyo 20, 2023.

"G na G na!!!!!" caption ni Suzette sa kaniyang tweet nitong Hunyo 20.

https://twitter.com/SuziDoctolero/status/1670995016091844608

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bukod dito, sinabi pa ng Kapuso headwriter na exciting ang noontime ng GMA at GTV. Sa GMA kasi, umeere pa ang "Eat Bulaga!" ng TAPE, Inc. na kinabibilangan nina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, Alexa Miro, Isko Moreno, Cassie at Mavy Legaspi, at XOXO.

"Exciting ang noontime ng both GMA at GTV ah! And welcome to GMA-7 Showtime peeps. See you sa GMA Gala!" ani Suzette.

https://twitter.com/SuziDoctolero/status/1670997496980733952

Naglabas ng opisyal na pahayag ang ABS-CBN na nagkukumpirmang mapapanood na sa GTV Channel ng GMA Network ang “It’s Showtime,” sa darating na Hulyo 1, 2023.

Nagpasalamat naman ang Kapamilya Network kay TV5 Chairman Manny Pangilinan sa pagpapatuloy sa kanila, sa loob ng ilang buwan.

Bukod sa GTV, mapapanood din ang It's Showtime sa A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.