Kalmado at cool lamang na nagbigay ng mensahe ang "Eat Bulaga!" host na si Paolo Contis sa bashers ng kanilang noontime show, na wala raw sawang nagrereport sa social media pages nito.

Ani Paolo, "Hindi po kami hihinto sa pag-try na magkaroon ng Facebook page na 'yan!"

"Report lang kayo nang report, post lang kami nang post! Hanggang sa mapagod kayong mag-report."

Hanggang ngayon kasi ay inuulan pa rin ng bashing ang bagong Eat Bulaga! dahil hindi pa rin matanggap ng publiko na ayaw palitan ng TAPE, Inc. ang titulo ng programa.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Panawagan ng netizens, sana raw ay palitan na ito dahil kahit anong gawin ng bagong hosts, TVJ pa rin ang naaalala at hindi sila.