Simple ngunit napakalinis pagmasdan ni “Miss International Queen Philippines 2023” na si Lars Pacheco sa paandar niyang All White outfit para sa kanilang TV guesting ng mga kandidata sa Ch3Thailand.

Sa caption ng kaniyang Instagram post na “For the love of white” o ang pagmamahal nito sa kulay puti, ipinakita ni Lars ang pagiging simple ngunit hindi magpapakabog pagdating sa awrahan.

Kamakailan lamang ay itinanghal siya bilang bagong Miss International Queen Philippines 2023 at kasalukuyan siyang nasa Thailand kung saan puspusan ang ginagawang paghahanda para Miss International Queen coronation night na gaganapin na June 24, 2023 sa Pattaya, Thailand.

Hinangaan naman siya ng mga netizens na nagbigay-komento sa kaniyang larawan.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Loves it beshyyyy!”

“Ang Ganda mo dyan mamshie. Perfect outfit, perfect make-up and hair.”

“Ganda mo!”

Maaaring iparamdam ang isang daang suporta sa kaniyang laban at gamitin ang #stelLARS #PinakaMalaLars.

Arci Brezuela Rutagenes