Tila hindi na rin talaga matandaan ang naging huling guest appearance ng isa sa mga primera at tinaguriang ‘Kontrabidang Karakter’ sa Philippine showbiz na si Gladys Reyes sa noontime show na "Its Showtime" matapos nitong magbalik bilang huradong muli sa nasabing programa.

Masaya at nagagalak ang aktres sa muli niyang pagbabalik lalo nang makasama niyang muli ang mga Showtime hosts, especially ang “maldita” niyang sis na si Vice Ganda.

‘It’s good to be back after 13 years in Showtime!’ ‘Reunited with maldita sis Vice ganda at Delighted to see again the gorgeous Anne Curtis’ mababasang caption sa kaniyang Instagram post.

Nagagalak siyang naging huradong muli sa bagong segment ng Showtime na, “Mini Ms.U”.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Maging ang mga madlang pipol ay nagagalak din sa kaniyang pagbabalik hango sa kanilang mga komento.

"Welcome back to It’s Showtime, Ms. Glad!"

"Sana mayroon ulit kayong bardagulan with Meme Vice."

"Wala pong kupas yung ganda niyo, Clara!"

Nagbigay din ng komento ang malapit na kaibigan nito at isa ring aktres na si Carmi Martin.

"Sana ma-regular ka na riyan bff."

Matatandaang sa season 1 ng Showtime, kinagiliwan ang tandem nina Vice at Gladys sa panggagaya nila sa "Agua Bendita."

Arci Brezuela Rutagenes