Makikitang excited at parang hindi manlang kinakabahan sa mga larawang ibinahagi ng ating pambato na si Michael Ver Comaling para gaganaping Mister National Universe 2023 sa Thailand.

Bukod sa all smile na mga ngitian na makikita sa mukha nito, all-set na rin siya biyaheng Thailand.

"Sawadee krap 🇹🇭! 🙏 ~ ✈️ on the way to Thailand for the Mister National Universe 2023👑" mababasang caption sa kaniyang Instagram post kahapon, Hunyo 19.

Gaganapin naman ang nasabing pageant sa araw ng Martes, Hunyo 27, 2023. 

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Nag-abot naman siya ng pasasalamat sa National Director para sa mga payo at suportang ibinigay sa kaniya. Pinasalamatan niya rin ang President ng Mister National Universe para naman sa oportunidad na kaniyang nakamit.

Nag-alay panalangin din siya sa mga kapuwa niya kandidato na magkaroon nang ligtas na biyahe patungong Thailand. Dagdag pa niya, ang walang katapusang pasasalamat para sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kaniyang journey.

Nagpa-unlak naman ng suporta ang ilan sa mga kapuwa niya ‘PBB Housemates’ na sina Zack Guerrero, Aleck Inigo at Basti Rafael Macaraan.

“Goodluck Mayko!!”

“Goodluck my bro!!”

“Goodluck brother!!’

Matatandaan na ilan lamang sila sa mga Housemates na bumuo ng ‘PBB Kumunity Season 10” Adult Edition’.

Arci Brezuela Rutagenes