Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang probinsya ng Surigao del Norte nitong Lunes ng madaling araw, Hunyo 19, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 1:33 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 61 kilometro ang layo sa hilagang silangan ng  Burgos, Surigao del Norte, na may lalim na 25 kilometro.

Naiulat ang instrmental intensities sa mga sumusunod na lugar:

National

NAIA security personnel, pinagbabawalan nang humawak ng passport ng mga pasahero

Intensity III - Hinunangan, SOUTHERN LEYTE

Intensity II - City of Surigao, SURIGAO DEL NORTE

Intensity I - Dulag, LEYTE; City of Borongan, at Quinapondan, EASTERN SAMAR

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa kalapit sa lugar sa posibleng aftershocks ng lindol, ngunit hindi naman umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.