Sinabi ng singer-rapper na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang "Skusta Clee" na hindi man siya perpektong karelasyon, hindi naman ibig sabihin nito na wala na siyang kuwentang ama.

Mababasa sa kaniyang Facebook post nitong Hunyo 18, Father's Day, ang kaniyang litanya tungkol dito.

“Wala kang kwentang tatay," bungad ni Daryl sa kaniyang FB post.

"Try n'yo ibigay. Hindi ako perfect na karelasyon I know matagal na! Pero 100% na kayang-kaya kong maging tatay sa anak ko. Ayaw lang kasi alam ko paano maging tatay. Pero ayos lang naniniwala ako sa oras," ani Daryl na ang pinatutungkulan ay ang dating karelasyong si Zeinab Harake.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Screengrab sa FB post ni Daryl Ruiz

Inulan naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Everything will be alright. Happy Father’s day Daryl Ruiz."

"Kung gusto may paraan. Bisitahin mo every month, puntahan mo sa bahay nila lagi, sustentuhan mo ng kusa kahit ayaw tanggapin, ilaban mo, legal actions… Ang dami pwedeng gawin na hindi dapat idinadaan sa social media. May pera ka. Kuha ka attorney. Mahirap magpatawad kapag sobrang nasaktan pero mas mahirap kapag wala kang ginagawa para ma-prove ang sincerity mo towards the child. Mabait ka pa rin naaalala mo ang anak mo. Maraming tumatakbo sa responsibilidad bilang magulang kaya habang maaga pa, do your best para maayos ang relationship mo kay little one."

"Darating din yang time mo kapatid. God is with you!"

"Para sa akin lang naman po, ang pagiging mabuting ama ay nagsisimula sa pagiging mabuting asawa sa ina ng anak mo. Naniniwala kasi ako na kapag ang halaman na nagdala ng bunga ay hindi mo pinahalagahan para mo na din ipinagsawalang bahala ang bunga nito. Kung isa sa magpartner ang magloloko, parang pinagkaitan niyo ng isang pamilya ang anak. Pero ika nga kanya kanyang paniniwala at direksyon yan. Ipagdasal niyo pa rin na sana makasama mo pa rin si Bia in time. The speed of healing depends on the depth of the wound kasi sir. God bless."

Si Zeinab, ay nagpaabot naman ng pagbati sa kaniyang "daddy" at bagong "partner" na si Filipino-American basketball player Bobby Ray Parks, Jr.

MAKI-BALITA: Zeinab ‘daddy’ si Bobby Ray: ‘Salamat sa Diyos, may partner akong di pasasakitin ulo ko!’