Ipatutupad ngayong Martes, Hunyo 30, ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa abiso ng Shell, Petro Gazz, Clean Fuel at Seaoil, magkakaroon ng bawas-presyo sa gasolina, diesel at kerosene.

Nasa ₱0.35 ang ibabawas sa presyo ng kada litro ng gasolina, at ₱0.10 naman ang itatapyas sa presyo ng kada litro ng diesel.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Aabot naman sa ₱0.30 ang ibababa ng Shell at Seaoil sa presyo ng kada litro ng kanilang kerosene.

Ang price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado