Nabagbag ang damdamin ng mga netizen sa viral Facebook post ng isang nagngangalang "Cath-Cath Orcullo" matapos niyang i-post ang napitikang motorcycle rider na may makatawag-pansin at makabagbag-damdaming paskil sa kaniyang likod.

Mababasa kasi sa paskil na umaapela ng tulong ang nabanggit na rider para sa kaniyang kapatid na may malubhang sakit.

Ang kaniyang kapatid daw ay nakikipaglaban sa stage 3 breast cancer.

Larawan mula sa FB ni Cath-Cath Orcullo

Human-Interest

Guro, nakatanggap ng manok, mga rekadong pantinola mula sa pupil

Ayon sa panayam kay Cat-Cath, pauwi na raw sila ng mister niya nang makasabayan nila sa stoplight ang naturang rider. Nahagip ng kaniyang mga mata ang nakasulat sa likuran nito.

Hindi raw siya nangiming picturan ito at i-post sa social media upang kahit paano'y makatulong sa paghahatid ng panawagan nito sa publiko.

Samantala, isang guro naman ang nagsabing totoo ang sinasabi ng rider na nakilalang si Gabriel Las-ay.

"Salamat po sa pag-share Ma'am Cath-Cath Orcullo. Si Ginang Las-Ay ay aming kasamahan sa Victorino Mapa High School.

Nawa ay matulungan po natin siya," saad sa Facebook post ng nagngangalang "Tchr Mae Lpt."

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!