Nagwagi sa kanilang bakbakan sa ring si Christian Merck Grey alyas "Makagwapo" laban sa kairingan niyang si Marlou Arizala a.k.a. Xander Ford/Arizala, matapos ang inaabangang "Battle of the YouTubers" na ginanap nitong Hunyo 18 ng gabi, na napanood sa YouTube channel ni Makagago Wazzup Man, 8:00 ng gabi.

Linggo ng umaga, ipinakita pa ni Xander ang kaniyang paghahanda para sa magiging paghaharap nila ni Makagwapo.

Nangako si Xander na patutumbahin niya si Makagwapo, matapos ang ilang mga patutsadahan nila sa social media, dahil sa perang ₱350k na pinag-awayan nila.

Ngunit sa aktuwal na sagupaan ay knock out si Xander sa pamamagitan ng two-punch combo, at dumugo pa ang ilong nito. Makikitang dinaluhan naman siya ng partner na si Gena.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Sa asawa ako ni Marlou naawa eh!" ani Merck sa kaniyang Facebook post, kung saan ibinahagi niya ang link ng kaniyang vlog patungkol dito.

Sa kaniyang Facebook post naman, nagawa pang magpatutsada ni Xander laban kay Makagwapo.

"NAPAKAMANDARAYA N'YO MGA BRUSKO KAYA PALA KAYO YUMAMAYAN LALO KA NA MERCK GREY," ani Xander.

Matatandaang nag-ugat ang kanilang bardagulan sa social media dahil sa umano'y pangako ni Makagwapo na sasagutin nito ang binyag ng anak nina Xander at partner na si Gena Mago, na si Baby Xeres.

Matapos ang ilang palitan ng maaanghang na pahayag sa social media, ibinigay rin ni Makagwapo ang pera dahil nadadamay na raw ang anak ni Xander.

Subalit hindi pa roon natapos ang kanilang maiinit na pasaringan sa isa't isa.

MAKI-BALITA: Xander Arizala at Makagwapo, ‘magsasapakan’