Patuloy na nagdudulot ng katatawanan sa social media ang ibinahagi ng isang netizen na si "Jerrica Doria" matapos tumambad sa kaniya ang loob ng isang biniling inakalang ice cream on stick na may flavor na "frozen cookies and cream banana," sa isang convenience store.

Nagulat kasi si Jerrica na literal na saging na saba ang laman nito, dahil inaasahan niya ay ice cream ito na flavored cookies and cream banana.

Hindi makapaniwala ang netizen na literal na saging ang laman nito at may cookies and cream lamang na fillings.

"Grabeng atake naman 'to Alfamart ice cream hindi ko inexpect tong saging na 'to ha. Literal na cookies & cream banana," aniya sa kaniyang Facebook post.

Human-Interest

Guro, nakatanggap ng manok, mga rekadong pantinola mula sa pupil

Natanong naman si Jerrica kung anong lasa nito. Aniya, "napaka-weird" daw ng lasa.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Literal na banana hahaha."

"Banana cue talaga 'yan na may cookies and cream."

"Banana na may kaunting ice cream."

Pero sey naman ng ilang netizens, walang mali rito dahil ang nakalagay ay "frozen banana." Hindi raw ito isang ice cream.

Sa kaniyang FB reels ay sinubukan naman ni Jerrica ang ibang ube flavor ng frozen banana.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!