Magkakaloob umano ang Department of Justice (DOJ) ng ₱2-milyong pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na hahantong sa pagkakaaresto kay dating Bureau of Corrections (BuCor) director general Gerald Bantag.

Kinasuhan si Bantag ng two counts of murder dahil sa umano’y pagkakasangkot niya sa pagpatay sa radio broadcaster na si Percival “Percy Lapid” Mabasa at sa umano’y middleman na si Cristito Villamor Palana, isang person deprived of liberty (PDL) sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Samantala, nag-alok naman ang DOJ ng ₱1-milyong pabuya para sa pagkakaaresto sa kapwa akusado umano ni Bantag na si dating BuCor security officer Ricardo Zulueta.

“Stage 2 na tayo, maglalagay na tayo ng reward para mapabilis at matuloy na ang paglilitis kasi hindi pwedeng matuloy ang paglilitis kung wala ‘yung akusado,” ani Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa isang press briefing nitong Lunes, Hunyo 19.

National

Giit ni Romualdez: Trahedya ng Bagyong Yolanda ‘di na raw dapat maulit

“Kung mayroon pong impormasyon na makatutulong na mahuli si General Bantag at si Mr. Zulueta, mayroon pong pabuya na ibinibigay ang ating batas,” saad pa niya.

Ipinaalam din ng DOJ sa publiko na sinumang makapagbibigay ng impormasyo sa kinaroroonan ni Bantag o Zulueta ay maaaring makipag-ugnayan sa mga numerong 0945831058 at 09284169585.